28

Oct 6, 2017 @ 15:32

Fourth crown sinagpang ng Lynx

Tatlong blue shirts ng Los Angeles Sparks ang iniwasan ni Sylvia Fowles (34) ng Minnesota bago nakadukot sa ilalim. Pinangunahan ni Fowles ang 85-76 win ng Lynx sa Game 5 ng WNBA Finals para iuwi ang pang-apat na korona. (AFP)

Nagsumite si Sylvia Fowles ng 17 points at binasag ang sarili niyang WNBA Finals record nang magbaba ng 20 rebounds para pangunahan ang Minnesota Lynx sa pang-apat na titulo sa loob ng pitong taon pagkatapos sipain ang Los Angeles Sparks 85-76 sa Game 5 Miyerkules ng gabi sa Minneapolis.

Umayuda si Maya Moore ng 18 points at 10 rebounds, ibinaon ang krusyal na runner 26 seconds na lang sa laro. Nagdagdag si Lindsay Whalen ng 17 points at eight assists, may 14 points, six assists at six boards pa si Seimone Augustus sa Minnesota.

Pinantayan ng Lynx ang Houston Comets na may pinakamaraming titulo sa league history.

Dalawang beses umiwas sa elimination sa series ang Minnesota, inagaw ang Games 4 at 5 at naiganti ang last-second loss sa Sparts sa Minnesota noong nakaraang season.

May 19 points, 15 rebounds at five assists si Candace Parker sa Spark, hindi nakumpleto ang misyon na maging unang repeat champions sa nakalipas na 15 years.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?