181

Aug 1, 2021 @ 11:15
By

‘Four Sisters and a Welding’ ni Alex Gonzaga patok sa mga netizen

Kasalukuyang viral ang paandar na ginawa ni Alex Gonzaga sa iconic movie na “Four Sisters and a Wedding.” Para kasi sa selebrasyon ng ika-4 na taong anibersaryo ng kanyang vlog, gumawa siya ng parody nito at tinawag na “Four Sisters and a Welding.”


Makikita sa naturang vlog sina Donnalyn Bartolome bilang Boobie Kaazar, Zeinab Harake bilang Chalex Kaazar, Michelle Dy bilang Gabbit Kaazarr at syempre si Alex bilang si Cheddie Kaazar.

Ginaya ng apat na “queen vloggers” ang naturang 2013 film na may special participation din nina Mommy Pinty, Uncle Jojo, Angel Locsin, at Skusta Clee.


Isa sa pinaka pumatok na eksena ay ang biglang paglitaw ni Toni Gonzaga na siyang orihinal na nagbigay buhay sa role ni Teddie Salazar.

Habang umaarte si Toni ay biglang pumasok si Alex at sinabing “Uy di ito ’yung original. Parody lang ’to. Hindi niyo na magagawa ’yung reunion lumipat na ’yung kapatid mo.”

Kasalukuyang pumalo na sa mahigit 3 milyon views ang nakuha ng naturang vlog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?