59

Feb 27, 2020 @ 15:53
By

‘Four Sisters and a Wedding’ magkakaroon ng prequel

Inanunsyo ng Star Cinema ang prequel ng hit movie na “Four Sisters and a Wedding”.

Babandera sa pelikula sina Alexa Ilacad bilang Bobbie, Gillian Vicencio bilang Alex, Charlie Dizon bilang Teddie, at Belle Mariano bilang Gabbie.

Ayon sa Star Cinema, ang bagong movie ay may title na “Four Sisters Before the Wedding”.

Magugunitang naging patok ang movie noong 2013 na pinagbidahan nina Bea Alonzo, Angel Locsin, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao at Enchong Dee.

Sa movie, nagsama-sama ang magkakapatid na sina Teddie (Gonzaga), Bobbie (Alonzo), Alex (Locsin) at Gabbie (Magdayao) para sa kasal ng kanilang bunso na si CJ o Reb Reb.

Pero nang ma-meet ng apat na sister ang pamilya ng bride ay nagkutsabahan sila para harangan ang kasal.

Sa prequel mapapanood ang naging buhay ng magkakapatid noong mga bata pa sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?