73

Dec 18, 2017 @ 9:34

Four-peat bid ng SMB inumpisahan sa panalo vs Phoenix

Nanatiling intact pa rin ang koponan ng San Miguel Beer at sinimulan ang target nilang apat na sunod na All-Filipino conference sa pamamagitan ng pagwasiwas sa Phoenix Fuel Masters, 104-96 sa pagbubukas ng 2017-18 PBA Philippine Cup nitong Linggo.

Nanguna sa three-time defending All-Filipino champions si reigning MVP June Mar Fajardo, na may 23 points, 16 rebounds, at four blocks.

Nag-ambag si Alex Cabagnot ng 22, at 20 naman si Marcio Lassiter, 10 dito sa fourth quarter. May 16 points at nine assist si Chris Ross habang may 14 points at 11 rebounds si Arwind Santos.

Lamang ang SMB ng 17 sa third quarter subalit nagawang humabol ng Fuel Masters at naidikit ang iskor sa 85-80 sa kalagitnaan ng fourth quarter.

Matapos mag-time out si Coach Leo Austria, nagpakawala naman ang Beermen ng 18-4 run para mailayong muli ang kalamangan laban sa Phoenix at hindi na lumingon pa sa laban.

Nanguna sa Phoenix si Justin Chua na may 18 points habang may 12 points naman si Matthew Wright. May 10 points at 9 na rebounds naman si rookie Jason Perkins sa kanyang unang PBA game.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?