By

Foundation ni Trump, ipinasasara ng NY attorney general

Sharing is caring!

Pinabubuwag ng attorney general ng New York ang foundation ni US President Donald Trump.

Kasunod ito ng pagsasampa ng kaso ng New York attorney general laban kay Trump at tatlo nitong anak dahil sa diumano’y iligal na aktibidad nito kabilang ang pagsuporta sa sarili nitong kampanya noong 2016.

Hiniling din ni attorney general Barbara Underwood sa isang New York state judge na pagbawalan na si Trump pati ang mga anak nito na sina Donald Jr., Erick at Ivanka na humawak ng anumang charity organization sa New York.

Ayon kay Underwood, base sa kanilang 21 buwang imbestigasyon, natuklasan nila na marami sa aktibidad ng foundation ni Trump ay iligal at pabor sa pansarili nitong interes at ng mga negosyo nito.

Naglabas na ng pahayag tungkol dito ang Trump Foundation kung saan nito iginiit na pawang pamomolitika lamang ang ginagawa ng New York attorney general.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?