318

Apr 4, 2020 @ 20:36
By

Foundation ni Dingdong, nag-alok ng trabaho sa mga jobless Pinoy

Nag-aalok ng trabaho online sa mga taong nawalan ng pagkakakitaan dahil sa Luzon enhanced community quarantine ang YesPinoy Foundation ng aktor na si Dingdong Dantes.

Sa Instagram post ng aktor, suportado ng kanyang YesPinoy Foundation ang #SanaOl campaign ng Jobstreet at Workabroad PH, na magbibigay ng pangkabuhayan sa mga Pilipino.

Kabilang sa maaaring mag-apply sa online jobs ang mga undergrad at graduate ng K-12 o high school o kahit wala pang work experience.

“May online jobs para sa freelancers, sa mga naghahanap ng alternative work, at sa K-12/ High School graduates. May home-based jobs din na ‘no experience needed’ at interview na pwedeng sa telepono lang!” saad ng aktor.

Sa mga interesado aniyang mag-apply ay maaaring bumisita sa bit.ly/SanaOLJobs o sa Jobstreet Philippines Facebook page.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?