118

Sep 22, 2021 @ 16:06
By

Foul play hindi isinasantabi sa pagkamatay ni Bree Jonson

Hindi pa inaalis ng mga awtoridad na may foul play sa pagkamatay ni Bree Jonson, na natagpuang walang buhay sa isang beach resort sa La Union nitong weekend.

Ani Police Regional Office 1 Director Police Brigadier General Emmanuel Peralta, mas mataas lang ang porsiyento na walang foul play sa pagkamatay ni Jonson.

“Medyo mataas lang ‘yung percentage na wala siyang foul play, pero hindi pa natin totally niru-rule out 100 percent na walang foul play,” pahayag ni Peralta sa panayam sa DZBB.

Ayon sa ulat, huling nakasama ng 30-anyos na artist si Julian Ongpin, na anak ni business tycoon Bobby Ongpin.

Si Julian ay person of interest sa kaso. Nito lamang Linggo nang madakip si Julian ng mga awtoridad ngunit agad din umano itong pinalaya.

Lumabas sa initial findings ng ginawang awtopsiya kay Jonson na sanhi ng pagkamatay niya ay asphyxia o kawalan ng oxygen sa katawan na maaaring humantong sa kamatayan.

Nagpositibo umano sina Jonson at Julian sa cocaine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?