36

Jun 7, 2019 @ 17:53
By ,

Foton Tornadoes babangis sa magkapatid na Santiago

Sa pagbabalik ng magkapatid na Jaja at Dindin Santiago sa Foton Tornadoes Blue Energy matapos ang international stint nito sa V League sa Japan, siguradong contender ang koponan sa darating na All-Filipino Conference ng Philippine Superliga.

Muling ibabandera ng Foton ang dalawang national team member na ito para sa kanilang kampanya ngayong conference.

Bukod sa magkapatid na Santiago, balik-court din si Arianne Layug, na uminda ng knee injury noong nakaraang taon, at si EJ Laure, na nagkaroon naman ng shoulder injury.

Mas lalo pang tatatag ang opensa at depensa ng tropa sa pagpasok ng ilang bagong recruit nito na si Laizah Bendong mula UE, na tinanghal na UAAP Season 81 Best Setter, at sina Marianne Buitre at Justin Dorog mula naman UP.

Makakasama rin ng tropa si UAAP Season 81 Rookie of the Year Eya Laure, pero hindi agad ito sasabak sa aksyon hanggang sa bumuti ang lagay nito dahil sa injury.

Pasok rin si Elaine Kasilag sa line-up ng Blue Energy, na nag-ober da bakod mula sa kabilang liga.

Mula sa All-Star roster ng Foton, susubukan nitong muling ibalik ang dati nitong laro sa liga sa pangunguna ng coach nito na si Aaron Velez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?