55

Jul 9, 2019 @ 23:00
By

Foton kumapit kina Santiago, Aganon kontra Cignal

Umasa ang Foton Tornadoes kina Jaja Santiago at Mina Aganon upang payukuin ang Cignal, 25-27, 25-23, 25-20, 25-19 Martes ng gabi sa 7th Philippine Superliga 2019 All-Filipino Conference preliminaries sa Bacoor City Strike Gym, Cavite.

Nirehistro ni 6-foot-5 Santiago ang 22 attacks at pitong blocks para sa Tornadoes na hinataw ang pangatlong sunod na panalo at ilista ang 4-3 karta, at ipalasap sa HD Spikers ang pang-apat na talo sa anim na laro.

Muntik nang malubog ang Tornadoes sa dalawang sets, mabuti na lang at nakapagtala si Santiago ng back-to-back blocks para makuha ang abante 24-23 sa second frame. Nag-error ang HD Spikers kaya naitabla ng Foton sa tig-isang set na panalo papasok ng third frame.

Lumamang ang Cignal ng 5-2 sa third set, pero naging matatag ang Tornadoes para makadikit sila sa 7-all. Nagpatuloy ang mainit na laro ng Foton, humarurot para makuha ang 22-14 bentahe tapos ang isang kill at back-to-back service aces ni Aganon at dahil sa laki ng lamang ay nakopo ng Tornadoes ang set 3.

‘Di na nagpabaya ang Tornadoes sa set four, nanatili ang kanilang bangis para tapusin ang laro sa ligang mga suportado ng Team Rebel Sports, SOGO, Eurotel, PCSO, Cocolife, UCPB Gen, Mueller, Senoh, Asics, Bizooku at One Sport.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?