112

Oct 7, 2021 @ 10:32
By

Former Speaker Cayetano babalik sa Senado?

Iaanunsyo ngayong hapon ni dating Speaker Alan Peter Cayetano kung ano ang kanyang tatakbuhan sa 2022 elections.

Ayon sa mga kumakalat na balita, tatakbo si Cayetano sa pagkasenador matapos itong magdesisyon na huwag tumuloy sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Ang pag-aanunsyo ni Cayetano ay gagawin sa Senator Rene “Compañero” Cayetano Science and Technology High School sa Taguig City.

Si Cayetano ay isa sa most preferred senatorial candidate batay sa resulta ng huling survey na inilabas ng Pulse Asia. Siya ay statistically tie sa number one spot kasama si broadcaster Raffy Tulfo.

Bago naging Speaker noong 2019, si Cayetano ay nakadalawang termino bilang senador. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?