104

Sep 4, 2019 @ 17:44
By

Forever 21 kinasuhan ni Ariana Grande

Pumalag si “7 Rings” singer Ariana Grande sa panggagamit sa kanyang kasikatan ng fashion retailer Forever 21.

Batay sa report ng NY Times, naghain ng $10 million suit si Ariana laban sa Forever 21 dahil sa panloloko umano ng mga ito sa kanilang customers na tila ineendorso niya ang kumpanya sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga larawan niya sa social media at pagha-hire ng modelo na kamukhang-kamukha niya.

Ito umano ay matapos hindi matuloy ang joint marketing campaign nila dahil hindi na kaya ng Forever 21 ang talent fee ni Ariana.

“The resemblance is uncanny and Forever 21’s intent was clear: to suggest to the viewing public that Ms. Grande endorsed Forever 21, its products, and was affiliated with Forever 21,” saad sa inihain na lawsuit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?