349

Jan 18, 2021 @ 14:04
By

Forensic exam sa labi ni Dacera tapos na

Nakumpleto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang forensic examination sa bangkay ni flight attendant Christine Dacera.

Sabi pa ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, Lunes, nakikipag-ugnayan na ang NBI sa Makati Medical Center (MMC) na pinagdalhan kay Dacera matapos siyang matagpuang walang malay sa bathtub ng kanyang hotel room noong Bagong Taon.

Dagdag ng kalihim, hahayaan niya na ang NBI na ilabas ang resulta ng forensic examination.

Magugunitang inutusan ni Guevarra ang NBI na imbestigahan ang pagkamatay ng flight attendant dahil “not through enough” aniya ang paunang police investigation.

Kumuha ang NBI ng hindi bababa sa 100 milliliters ng ihi mula sa labi ni Dacera. Sabi ng bureau, matutulungan daw sila nitong masuri kung may presensya ng alak o iligal na droga.

Pero punto ni forensic pathologist Raquel Fortun, mas maraming tanong ang binuksan nitong urine extraction gayong unang inulat ng pulisya na walang laman ang bladder ni Dacera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?