48
delfin-lorenzana
Dec 4, 2018 @ 17:55
By

Foreign terrorists, nakapasok sa bansa – intel report

Ligalig ngayon ang Department of National Defense sa ulat na may mga banyagang terorista ang nakapasok sa bansa.

Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, ang mga terorista ay galing ng Malaysia at Indonesia at pumasok sa Mindanao.

Aniya, ang ulat ay galing sa isang ahensiya sa Singapore na sumusubaybay sa galaw ng mga terorista.

Paglilinaw nito, nagsasagawa pa sila ng validation reports bagama’t aniya alam naman ng lahat na maraming maaaring pasukan sa Mindanao ang mga terorista.

Sinabi pa nito na ang hinahanap nilang mga terorista ay mula sa Middle East at maaaring eksperto ang mga ito sa pagpapasabog.

Bukod pa sa mga banyagang terorista, tinutugis pa rin ng puwersa ng gobyerno ang mga miyembro ng Maute Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Abu Sayyaf.

Ang paghahanap sa mga banyaga at lokal na terorista ay sa Central Mindanao, Basilan, Sulu at Lanao del Sur.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?