social-media

Foreign socmed sa eskuwelahan, pinagbawal sa Iran

Sharing is caring!

Para malimitahan ang impluwensiya mula sa online, ipinag-utos nitong Linggo ng ministry of education ng Iran ang pagbabawal na sa foreign social media networks sa kanilang mga eskuwelahan.

Ayon sa ulat, maaari lang gumamit ang mga eskuwelahan ng domestic social networks sa kanilang pakikipag-usap sa iba.

Ang Telegram ang pinakasikat na social network sa Iran.

Noong 2017, nakapagtala ang nasabing app ng 40-million monthly users sa Islamic Republic. Popular din sa naturang bansa ang Instagram.

Hindi naman madalas magamit ang Facebook at Twitter at naka-block na sa Iran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?