By

Foreign policy ni Duterte, hindi malaya – Baguilat

Sharing is caring!

Hindi umano matatawag na independent foreign policy ang pagpapalit ng alyansa ng Pilipinas.

Ayon kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, ginawa lamang pro-China, at anti-west ang foreign policy ng administrasyong Duterte pero hindi masasabing naging independent ito.

Sa katunayan, unti-unti na anyang isinusuko ng bansa ang soberenya sa mga teritoryo sa West Philippines Sea.

Sabi ni Baguilat, ito ang dahilan kaya hindi na malayang makapangisda ang mga Pilipino sa karagatang sakop ng Pilipinas at dumaranas pa ng harassment mula sa mga Chinese.

Maging ang mga infrastructure program anya ng pamahalaan ay pinopondohan mula sa utang sa China at hawak rin ng mga kumpanyang Chinese.

Ipinunto ng kongresista na wala namang masama na kaibiganin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China at Russia, pero hindi anya tama na makipagkaibigan sa pamamagitan ng pagsira sa mga dating kaibigan gaya ng US at gawing kaaway ang mabubuting kaibigang tulad ng European Union.

“I don’t think we are strengthening our independence and freedoms by kowtowing to Chinese interests,” ani Baguilat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?