89
Foreign minister ng Japan binisita si Duterte sa Davao
Feb 10, 2019 @ 15:46
By

Foreign minister ng Japan binisita si Duterte sa Davao

Bumisita ang top diplomat ng Japan na si Foreign Minister Taro Kono kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City nitong Sabado, Pebrero 9 ng gabi upang pagdiskusyunan ang ilang mahahalagang usapin kabilang na ang peace process sa southern Philippines.

Binalikan ni Kono sa naganap na bilateral talk kinabukasan ng Linggo sa pagitan ng Japan at Pilipinas ang naging pag-uusap nila ni Duterte partikular na ang pangakong palalakasin ang ugnayan ng dalawang bansa.

“As President Duterte mentioned, our two countries have entered a golden age of strategic partnership,” saad nito.

Suportado umano ng Japan ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) at handing umaksyon sa capacity-building sa panahon ng transition period, kabilang na ang pagbibigay trabaho at kabuhayan para sa dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) combatants.

Ang naturang pagbisita ni Kono ay ang kauna-unahang pagpunta nito sa Pinas.

Matapos ang araw ng courtesy call nito kay Duterte noong Sabado ay agad na nagpatawag ito ng bilateral meeting kasama si Foreign Secretary Teodoro ‘Teddy Boy’ Locsin Jr.

Naganap ang exchange note sa pagitan nina Locsin at Kono hinggil sa Road Network Development Project sa Conflict-Affected Areas sa Mindanao.

Nauna nang nangako ang Japan na magbibigay ng halos $200 million loan para sa naturanf proyekto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?