25

By

Foreign Minister ng Japan bibisita sa Pilipinas

Mananatili sa bansa si Japanese Foreign Minister Taro Kono mula Pebrero 9 hanggang Pebrero 11 kung saan makikipagpulong ito sa mga opisyal ng gobyerno sa Davao City.

Batay sa anunsiyo ng Department of Foreign Affairs, ang official visit ni Kono sa Pilipinas ay dahil sa imbitasyon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr.

Sa Linggo, Pebrero 10 umano ay magkakaroon ng bilateral discussions sina Kono at Locsin hinggil sa isyung may kinalaman sa politika, ekonomiya, suporta ng Japan sa infrastructure development at tungkol sa Mindanao.

Nakatakda naman ang pakikipagpulong ni Kono kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa iba pang Cabinet officials sa Davao.

Magiging bahagi din umano si Kono sa inagurasyon ng Japanese Consulate General sa nabanggit na lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?