29
cayetano

Foreign journalists pinagbawalan sa press briefing ni Bello, Cayetano

Naalarma ang grupo ng mga mamamahayag na nagkokober sa ilang foreign media outlets sa paghihigpit ng gobyerno ng Pilipinas sa press briefing ng mga opisyal ng pamahalaan na dumadalo sa 32nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore.

Sa isang statement, sinabi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) na bagama’t ‘accredited’ sila ng Palasyo, pinigilan silang dumalo sa news conference na ipinatawag ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Pinagbawalan din ang mga miyembro ng FOCAP na pumunta sa news conference ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Bandang huli’y pinayagan din silang makapasok subalit pinagbawalan silang magtanong kay Cayetano.

“The FOCAP is deeply alarmed by the Philippine government’s strong actions that clearly violate constitutional provisions on freedom of information,” sabi ng FOCAP.

“These incidents are not isolated. We note the earlier restrictions on press movements during coverage of the war in the southern city of Marawi and those who reported on the closure of the island resort of Boracay,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?