11
duterte-37th
By

Foreign investors ‘di tatabangan sa estilo ni Duterte – Palasyo

Sharing is caring!

Ipinagkibit-balikat lamang ng Malacañang ang pangamba ng isang London-based research consultancy firm na baka tumabang ang mga dayuhang investor sa estilo ng liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga malulutong na pananalita nito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na malayong mangyari ang pinangangambahan ng Capital Economics dahil taliwas ito sa nakikitang matatag na paglago ng ekonomiya sa bansa.

Sa loob aniya ng nakalipas na nagdaang dalawang taon ay tinanghal ang Pilipinas bilang “second fastest growing economy in Asia” sa ilalim ng Duterte administration.

Bukod dito, sinabi ni Roque na nanguna din ang Pilipinas sa larangan ng manufacturing at nakapagtala din ng mataas na bilang ng mga pumasok na foreign investment.

Dahil dito, sinabi ni Roque na lumilitaw na walang basehan ang ulat ng tesearch agency dahil maganda ang itinatakbo ng ekonomiya ng bansa.

“Sorry, for the past two years, we’ve been the second fastest growing economy in Asia. We have been number one in manufacturing and we have had recorded number of foreign investments. So the criticism is not supported—what has been happening in the country,” ani Roque. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: