15

By

Foreign investments humataw ng 49 porsiyento

Sharing is caring!

UMAAS ng 49 porsiyento ang foreign direct investments (FDIs) sa unang limang buwan ng taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sa datos ng BSP, $4.8 billion ang January-May net equity capital invesments na nagpakita ng 469 porsiyentong pagtaas.

Karamihan sa mga namuhunan ay mula sa Singapore, Hong Kong, China, Japan, at US.

Dagdag pa ng BSP, marami sa mga ipinihunan ay sa manufacturing, finance and insurance, real estate, arts/entertainment/recreation at electricity, gas, steam and air-conditioning supply.

Sa buwan lang ng Mayo, pumasok ang $1.64 bilyong halaga ng mga bagong puhunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?