73

Dec 10, 2019 @ 17:24
By

Foreign exposure hirit ni Shaq sa women’s volley

Gusto ni Philippine women’s volleyball head coach Shaq Delos Santos ang mas marami pang international exposure para sa koponan sa mga darating na panahon.

“Experience pa rin ang kailangan naming maging puhunan kasi siyempre ‘yun kasi ang malaking bagay na pwedeng mangyari sa lahat ng players,” sabi ni Delos Santos matapos kapusin ang koponan kontra Indonesia, 20-25, 26-24, 15-25, 25-20, 14-16, sa 30th SEA Games women’s volleyball bronze medal match na ginanap sa PhilSports Arena sa Pasig City.

“Kasi sa international iba ang labanan gaya ng sinasabi ko before. Iba talaga not same dito sa atin. Pero ayun nga nagkakaroon na ng exposure so hopefully magtuly-tuloy lang and sana marami pang mga player na umakyat uli na alam natin na pwede pang maging national player.”

“I think breaks of the game lang. Kita naman namin yung effort talaga nung team. Talagang gustong-gusto naming manalo. Ipinakita namin ang 100% naming,” saad pa ni Shaq patungkol sa huli nilang laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?