6

Oct 15, 2020 @ 15:44
By

Foreign contractor sa ‘Pinas limitahan – Zubiri

Plano ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na maghain ng isang panukala na maglilimita sa pagsali ng mga dayuhang kontraktor sa infratracture project sa bansa.

Ito’y upang maiwasang makuha din ng mga ito ang konstruksiyon ng iba pang mga maliliit na mga proyekto ng pamahalaan.

Ginawa ni Zubiri ang pahayag matapos ang ruling ng Korte Suprema kung saan pinagtibay nito ang desisyon ng lower court na nagbabalewala sa probisyon ng Republic Act No. 4566 o ang “Contractors Licensing Law Implementing Rules and Regulations” na nagsasabing hindi dapat nililimitahan ang mga foreign firm sa pagkuha ng contractor’ license sa bansa, malaki man o maliit.

“Imagine, ‘yung paggawa ng kanal puwede nilang aplayan, puwede po silang sumama sa bidding, paggawa po ng maliit na kalsada,” pahayag ni Zubiri.

“Ang masama do’n ay siyempre mawawalan po ng trabaho ang ating mga kababayan dahil ang uunahin po nila, ang foreign workers dahil sila po ay foreign contractor,” dagdag pa nito.

Ayon kay Zubiri, ang kanyang ihahaing panukala ay mag-aamiyenda sa Republic Act No. 456 para limitahan ang bilang ng mga foreign contractor na maaaring mag-apply ng proyekto sa bansa.

“Kung hindi po [lilimitahan], baka sa buong Pilipinas, Chinese na po ang nagtatrabaho ng mga kanal, ng mga kalsada, maglalagay po ng water system sa mga barangay,” sambit pa ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?