14

By

Ford Fiesta bumaligtad sa Elliptical

Sharing is caring!

Nagkapasa-pasa at bukol ang inabot ng isang senglot na driver makaraang tumambling ang kanyang minamanehong Ford Fiesta sa Elliptical Road sa Quezon City.

Batay sa inisyal na report sa Traffic Sector ng Quezon City Police District (QCPD), pasado alas-6 ng umaga nang biglang bumaligtad ang kulay pulang Ford Fiesta na may plakang ATA 7327 na minamaneho ng isang nakilalang Ian Navarrete.

Dahil sa paghambalang ng nasabing sasakyan at halos tatlong linya ang nasakop sa kalsada ay naging mabigat ang daloy ng trapiko sa Elliptical Road malapit sa tapat ng tanggapan ng National Housing Authority sa nasabing lungsod.

Inamin naman ng driver na nakainom siya subalit hindi naman siya umano senglot at kaya lamang bumaligtad ang kanyang minamanehong kotse ay dahil may nag-cut sa kanyang isang sasakyan.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang QCPD Traffic Sector sa aksidente habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa nakainom na driver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?