110

Dec 21, 2017 @ 17:53
By

Forced evacuation posible sa dadaanan ng bagyong Vinta – NDRRMC

Nagbigay na ng abiso ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na antabayanan ang kanilang ilalabas na memorandum para sa forced evacuation na ipatutupad sa mga lugar na dadaanan ng bagyong Vinta.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, ito ay bilang pag-iingat sa mga posibleng landslide dahil sa malakas na bugso ng bagyong vinta.

Nagbigay din ng payo si Marasigan sa mga residente sa mga lugar na tatamaan ng bagyo na makipag-ugnayan sa mga otoridad at sumunod sa ipatutupad na pre-emptive evacuation sa ilang mga peligrosong lugar.

Inaasahang tatahakin ng bagong bagyo ang buong Mindanao, mula sa CARAGA Region, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte at Agusan del sur.

Maaari aniya itong mag-landfall sa Davao Oriental at tatawid sa kanluran ng Mindanao at posibleng maapektuhan din ang mga lalawigan sa bahagi ng Eastern Visayas.

Naka-red alert status na ang NDRRMC sa pag-antabay sa pag-landfall ng bagyo ngayong gabi o bukas ng madaling-araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?