5

Jun 14, 2021 @ 19:12
By

Footballer buhay matapos atakihin sa laro

Maayos na ang kalagayan ng isang football player na inatake sa puso sa kalagitnaan ng kanilang laro noong Sabado (oras sa Denmark).

Nasa 43rd minute pa lamang ng bakbakang Denmark at Finland na siyang parehas nilang unang laro sa Euro 2020 nang biglang mag-collapse ang midfielder ng Denmark na si Christian Eriksen.

Dali-daling tinawag ng referee ang mga medics at agad naasikaso si Eriksen.

Ayon sa team doctor ng Denmark na si Morten Boesen, sa tantya nila’y yumao na ang manlalaro bago pa man nila isagawa ang cardiac resuscitation.

“He was gone, and we did cardiac resuscitation. It was a cardiac arrest,” wika ni Boesen. “How close were we [to losing Eriksen]? I don’t know.”

“We got him back after one defibrillator, so that’s quite fast. I’m not a cardiologist, so the details I will leave to the experts at the hospital,” dagdag pa niya.

Nitong Lunes ay binalita ng kakampi niyang si Kasper Schmeichel na maayos na ang kalagayan ni Eriksen sa ospital.

“It was damn nice to see him smile and laugh and be himself. Just notice that he is there,” pahayag ni Schmeichel. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?