11

Dec 5, 2020 @ 20:15
By

Football stadium pinangalan kay Maradona

Ipinangalan sa pumanaw na football star Diego Maradona ang isang stadium sa Italya bilang pagbibigay karangalan sa kanyang tagumpay.

Mula sa dating pangalang Stadio San Paolo, pinalitan ng Stadio Diego Armando Maradona ang nasabing stadium na tinutuluyan ng koponang Napoli.

Ang palit-pangalan ay napagdesisyunan ng Naples city council, ayon na rin sa report.

“Napoli is delighted about today’s decision,” saad sa nilabas na statement ng koponan.

Ang namayapang 60-anyos na footballer ay pitong taong naging bahagi ng koponan.

Naging kapitan rin siya ng team at nagbigay ng karalangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?