31

Nov 23, 2021 @ 20:53
By

FoodPanda warehouse nagliyab

Dalawa ang sugatan matapos masunog ang isang bodega ng FoodPanda sa Muntinlupa City nitong Martes.

Ayon sa ulat, tumama ang sunog sa bodega na matatagpuan sa Barangay Ayala-Alabang.

Nagsimula umano ang apoy bandang alas-2:25 ng madaling-araw sa kaliwang bahagi ng kisame ng bodega, na tinatayang P5,000 ang pinsala.

Agad naman umanong naapula ang apoy at hindi na umakyat sa anumang alarma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?