70

Oct 19, 2019 @ 20:17
By

Food trip sa sementeryo

Imbes katakutan, naging popular na hangout pa sa loob ng 50 taon ang isang restaurant na akma sa nalalapit na Araw ng mga Patay.

Patok ang New Lucky Restaurant sa Ahmedabad, India na sa mismong lumang sementeryo ang set-up.

Sa halip na bakbakin ang mga nitso, nagdesisyon ang may-ari na gawin na lang itong “scary attraction” sa kanyang resto kung saan nakapalibot ang mga lamesa sa mga nitso at kabaong.

Tampok sa restaurant ang 12 na kabaong at nitso.

Binili ng may-ari na si Krishnan Kutti ang lupa para sa kanyang restaurant pero hindi niya alam na dati itong sementeryo.

Ayon sa Atlas Obscura report, naniniwala umano si Kutti na ang pagkain kasama ang mga patay ay isang “good luck”.

Kaya doon niya hinango ang pangalan ng kanyang resto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?