33

By

Food security ng bansa nanganganib dahil wala nang gustong magsaka

Sharing is caring!

Banta sa sektor ng agrikultura ang pagtanda ng mga magsasaka at kawalan ng interes ng mga kabataan na magsaka.

Sinabi ito ni Department of Agriculture Undersecretary Ranibai Dilangalen sa presentasyon ng ahensya sa pagtalakay ng House committee on constitutional amendments sa Philippine Development Plan 2017-2022 kaugnay ng panukalang federal system of government.

Ayon kay Dilangalen, sa ngayon ay nasa edad 57 hanggang 59 na ang karamihan sa mga magsasaka.

Ibig sabihin, malapit na silang madagdag sa hanay ng senior citizens.

“The average age of our farmers as of date is 57 years old. And our youth are no longer interested in agriculture except the ‘Farmville’ in the Internet,” sabi ni Dilangalen.

Naalarma rito si Batangas Rep. Lianda Bolilia dahil nangangahulugan aniya ito na maaaring magkaroon ng shortage sa mga magsasaka at malagay sa alanganin ang food security ng bansa.

Nagbabala naman si 1-Sagip Rep. Rodante Marcoleta na magiging pahirapan talaga ang pag-engganyo sa mga kabataan na magsaka kung walang tamang incentives sa agrikultura.

Binanggit nito na taliwas sa sitwasyon ng mga lokal na magsasaka na kakarampot ang kita at baon sa utang..ang mga magsasaka sa South Korea at Japan ay mayayaman. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?