11

Sep 23, 2020 @ 22:05
By

Fonacier out sa PBA bubble

Si Larry Fonacier ang unang active player na nag-beg off sa PBA bubble sa Clark Freeport Economic Zone.

Hindi na rin sumali ang veteran shooter sa workout ng NLEX nang payagan ang teams na bumalik sa practice facilities noong Aug. 25.

Nang malaman ang sitwasyon, pinayagan ng Road Warriors ang kanilang guard.

“We excused him. His wife has health issues,” ani coach Yeng Guiao.

Para sa NLEX, family first pa rin. Walang pinagkaiba rito ang kaso ng 38-anyos na produkto ng Ateneo.

Sept. 26 bibiyahe na ng Pampanga ang 12 teams, kinabukasan ay inaasahang maumpisahan na ang scrimmages na hindi nagawa sa Metro Manila.

Oct. 9 ang target ng liga na restart ng Philippine Cup, pero malamang ma-late ng dalawang dahil sa deleyed sa swab tests. Nakaisang laro lang sa opening night noong March 8. Makalipas ang tatlong araw kinansela ni commissioner Willie Marcial ang mga laro.

Hindi pa makumpirma kung sino ang idadagdag ng Road Warriors para makumpleto ang roster.

Kahapon (Sept. 23) ang deadline ng pagsusumite ng final 15-man lineup na isasabak sa bubble, plus isang reserve.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?