87

By

Followers ni Catriona, umabot na sa 3M

Sa loob ng tatlong araw matapos koronahang Miss Universe 2018, lumobo sa 3.2 milyon ang followers ni Filipina beauty queen Catriona Gray sa Instagram.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa 3.3 milyon na ang followers nito.

“How I’m feeling now that there’s 3MILLION of you on this journey!,” ani Gray sa kanyang Instagram post.

Nasa 900,000 lang ang followers ni Gray bago ito nanalo sa pageant.

Nakoronahang Miss Universe si Gray noong Dec. 17 sa Bangkok, Thailand.

Siya ang ika-apat na Pinay na nakapag-uwi ng titulo matapos nina Gloria Diaz, Margie Moran at Pia Wurtzbach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?