73

By

FOI & Complaints Unit ilulunsad sa Pasig

Sabik na si Pasig Mayor Vico Sotto sa ilulunsad na FOI & Complaints Unit sa kanyang lunsod ngayon darating na Lunes.

Ang unit na ito aniya ay maglalayon na aksyunan ang mga matatanggap na reklamo at mga tanong.

Paliwanag ni Sotto, ang unit ay binubuo ng mga dedikadong empleyado na tutulong sa mga mamamayan na nais mag-request para makita ang budget ng isang proyekto, solusyunan ang mga reklamo tungkol sa basura, mga masusungit na empleyado at iba pa.

Inamin naman niya na bagama’t maayos na ang sistema, staff at opisina nito, pinoproblema pa rin niya ang ipapangalan sa unit na ito.

Samantala, may ilang netizen naman ang nagbigay ng kani-kanilang suhestiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?