1,546

Jan 27, 2020 @ 20:11
By

Fog sinisi sa pagbagsak ng chopper na sinakyan ni Kobe

Foggy raw – mausok sa lamig – ang himpapawid nang lumipad ang helicopter na sinakyan nina Kobe Bryant, anak niyang si Gianna, 13, at pitong iba pa Linggo ng umaga.

Delikado raw, kaya hindi pinalipad ng local police agencies ang kanilang choppers.

Bumagsak ang helicopter sa matarik na gilid ng bundok 9:45 am.

Sa lakas ng impact, nagkalat ang debris umabot sa distansiyang kasing-laki ng isang football field. Patay lahat ang sakay.

Hindi pa matukoy ang dahilan ng crash.

Umalis ng Santa Ana sa Orange County sa labas ng Los Angeles ang helicopter ni Bryant 9 ng umaga, umikot sandali malapit sa Glendale. Ayon sa air traffic controllers, poor visibility sa lugar sa Burbank at Van Nuys.

Ang chopper ni Kobe ay Sikorsky S-76.

Binigyan ito ng clearance na tumungo pa-norte bago lumiko pa-kanluran sa Ventura Highway.

Lagpas ng 9:40 am, tumahak pa-southeast ang chopper, umangat ng higit 2000 feet. Maya-maya ay bumulusok at bumagsak sa hillside.

Pagbagsak sa ground, lumilipad ang chopper sa bilis na 160 knots (184 mph) at bumubulusok sa rate na 4000 feet per minute.

Papunta si Kobe at ang anak sa kanyang Mamba Sports Academy sa kalapit na Thousand Oaks dahil may basketball tournament ang mga bata roon.

Masamang lagay ng panahon, hindi engine o mechanical issues, ang nakikita ni Kurt Deetz na dahilan ng crash.

“The likelihood of a catastrophic twin engine failure on that aircraft – it just doesn’t happen,” pahayag sa Los Angeles Times ni Deetz, piloto ni Kobe noon sa chopper.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?