56

Dec 29, 2017 @ 17:41

Floyd vs McGregor 2 lulutuin sa octagon

Positibo si UFC president Dana White na malaki ang tsansa at puwedeng mapasabak si Floyd Mayweather, Jr. kontra kay Conor McGregor at ito’y sa octagon para sa UFC fight — at ang kaniyang pulong sa kampo ng boksingero ay magaganap sa lalong madaling panahon.

Nakapanayam ang UFC honcho sa ‘Undisputed’ sa FS1 at sinabi kina Skip at Shannon na ‘wag isantabi ang Mayweather fight sa 2018.

Ani White, minsa’y hindi niya inisip na ang Mayweather vs. McGregor boxing match ay mangyayari ngunit sa huli nga’y nagbunga, kaya’t anumang bagay ay posible.

Sinabi pa ni White sa TMZ na hindi siya sigurado kung si Floyd ay personal na darating sa pulong ngunit ang kaniyang kampo ay naroroon.

Nang tanungin kung ano ang magagawa ni Floyd sa MMA? Ani White, palagay niya’y si Floyd ay dagling matutsugi.

Sinabi rin ni White na gusto ni Conor ng boxing rematch kay Mayweather, kung saan hindi kuntento ang Irishman sa kaniyang naging performance sa kanilang laban sa ring.

“Really bad, but I’m interested in getting into boxing in 2018,” dugtong ni White.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?