238

By ,

Floyd tinanggap ang hamon ni Khabib

Sharing is caring!

Kinagat ni Floyd Mayweather, Jr. ang hamon ni Ultimate Fighting Championship (UFC) fighter Khabib Nurmagomedov na maglaban silang dalawa sa ibabaw ng lona.

Sa Instagram post ni Mayweather, binanggit ng dating world champion ang ilang boxing promoters sabay sabi na “Let’s make Las Vegas Great Again.”

“CBS, Showtime and MGM Grand get the checkbook out! Go to @leonardellerbe’s page to view Khabib Nurmagomedov challenging me. LET’S MAKE LAS VEGAS GREAT AGAIN,” post ni Mayweather.

Matatandaan na sa pinost na video sa Instagram ng chief executive ng Mayweather Productions na si Leonard Ellerbe, makikita na hinamon ng undefeated Russian fighter si Mayweather sa isang duwelo.

“Let’s go Floyd. I’m ready to fight now. 50-0 vs. 27-0, two guys who have never lost. Why not? Because in the jungle, only one king. Of course, I am the king because he wasn’t able to drop McGregor. I dropped McGregor easily,” wika ni Khabib.

Naging kontrobersyal ang huling laban nito kontra kay Conor McGregor na nauwi sa isang rambulan ng dalawang panig na nagresulta sa pagkakasuspende nilang dalawa sa torneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?