52

Dec 24, 2017 @ 16:43

Floyd hinamon si Kobe sa one-on-one basketball

May gusto pang patunayan ang undefeated American boxer na si Floyd Mayweather Jr., ang talunin sa basketball ang nagretiro ng 5-time NBA champion Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers.

Sa Instagram post ni Bryant matapos mag-post ng animated video na Dear Basketball, makikita ng comment ni Mayweather kung saan nag-alok ito ng $1-milyon para kalabanin ang dating NBA superstar sa one-on-one basketball
“@kobebryant I’m ready to play with you one on one for $1,000,000,” sambit ni Mayweather sa kanyang comment.

Wala pang reaksiyon dito si Bryant na nagretiro noong 2016 matapos maglaro sa NBA ng 20 taon at nagbigay ng limang championship rings sa Lakers.

Nito lamang Disyembre 19, pormal nang niretiro ng Lakers ang kanyang dalawang jersey numbers na No. 8 at No. 24.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?