37

Jun 9, 2021 @ 19:32
By

Floyd dinepensa exhibition fight

Ipinagtanggol ni Floyd Mayweather Jr. ang pagkakaroon niya ng mga exhibition fight matapos ng huli niyang laban sa YouTuber na si Logan Paul.

Ani Mayweather, wala na siyang dapat patunayan – at pagkakitaan pa.

“I’ve been in this sport for so long, so long and tonight, I was letting people see that I’m able to come out at my age, at 44, and still sell out 30,000 and still do crazy numbers to where I can make Showtime crash,” ani Mayweather pagkatapos ng naturang laban.

At sa gitna ng pagyayabang, binanggit pa niya ang pangalan ni Manny Pacquiao.

“When I come and do an exhibition or come out and box and have some fun, I do it because I want to do it, not because I have to do it,” dagdag niya. “Whereas, (Manny) Pacquiao at his age, which it’s sad that he has to fight.”

Pagmamalaki ni Mayweather, na nagretiro ng walang talo sa kanyang pro career, sapat na ang kanyang kinita at hindi na kailangan pang lumaban gaya ng ginagawa ni Pacquiao.

Sa tantya ng ilan, kikita si Mayweather ng mula $50 hanggang $100 milyon sa laban kay Paul.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?