29

Dec 22, 2017 @ 10:39
By

Flores 5th, Matutina 8th sa UAE

Nauwi sa draw ang laban ni Pinoy woodpusher Gray Flores kay Ali Mujawar Abid ng India kahapon sa seventh at final round ng December International Sharjah CH. 2017 Chess Tournament sa United Arab Emirates, (UAE).

Lumikom ng five points si Flores at lumanding ito sa fifth place habang kampeon si Abid na may 6.5 puntos sa event na ipinatupad ang seven rounds swiss system.

Kasalo ni Flores sa fourth si Seifedin Alkhour ng Syria subalit matapos ang tie-break points at landing sa fifth ang Pinoy.

pasok naman sa top 10 ang isa pang Pinoy chesser na si Mark Matutina matapos nitong talbosin si Dmitry Kunitsyn ng Russia.

Nasa eighth place si Matutina tangan ang limang puntos. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?