213

Jun 4, 2020 @ 16:18
By

Florendo, 4 pulis trainee tinadtad ng kaso sa pagkamatay ni Ragos

Patong-patong na kaso ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa pulis at apat na police trainee kaugnay sa pagkamatay ng retiradong sundalo na si Winston Ragos.

Magugunitang naging kontrobersyal ang pagkamatay ni Ragos sa isang quarantine checkpoint sa Quezon City noong Abril matapos lumabas sa imbestigasyon na may sakit sa pag-iisip ang biktima.

Binaril si Ragos ni Master Sergeant Daniel Florendo Jr., dahil sa akma umanong maglalabas ng baril ang una mula sa kanyang sling bag nang sitahin dahil umano sa paglabag sa quarantine.

Kasong murder, perjury at pagtatanim ng ebidensiya ang kinakaharap ng limang suspek

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?