23

‘Florante at Laura’ ni Francisco Balagtas, tampok sa Google homepage

Sharing is caring!

Ginunita ng giant search engine na Google ang ika-230 anibersaryo ng kapanganakan ng Philippine poet at writer na si Francisco Balagtas sa pamamagitan ng espesyal na Google Doodle – isang drawing sa Google logo – ngayong Lunes, Abril 2.

Ipinanganak si Balagtas noong Abril 2, 1788, na kilala sa epic poem na “Florante at Laura”.

Ayon sa Google, sa unang panel ng drawing, makikita si Balagtas habang isinusulat ang nasabing epic poem, habang sa mga sumunod na panel itinampok ang mga memorableng kaganapan sa istorya ng “Florante at Laura”.

“The story begins with a view on the main character, Duke Florante of Albania, who has just been exiled and tied to a tree. The third panel depicts his love, Princess Laura, being held captive. Next we meet Prince Aladdin of Persia, himself exiled from his own country. In the fifth panel, Aladdin’s fiancée Flerida searches for him in the forest before rescuing Laura. Finally, Laura and Florante are reunited and rule peacefully over Albania,” paliwanag ng kompaniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?