66

By

Flood control projects, binawasan sa ilalim ng 2019 budget

Binawasan ang pondo para sa flood control mitigation projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng cash-based budgeting.

Ayon kay House appropriations committee chairman Karlo Nograles, bumaba sa 1,811,000 ang flood mitigation structures and drainage systems na target para sa 2019.

Nabawasan ito ng 125,000 kumpara sa flood mitigation projects ngayong 2018 na nasa 1,936,000.

Umabot sa P20.8 bilyon ang pondong tinapyas sa flood management program sa ilalim ng DPWH. Mula sa P122.7 bilyong ngayong taon, P101.9 bilyon na lamang ang budget para dito sa 2019.

Para kay Nograles, hindi lalo masosolusyonan ang mga pagbaha kung babawasan ang mga proyekto para dito sa halip na dagdagan.

“May problema tayo sa pagbabaha, ang solusyon is ayusin yung flood control systems.. damihan natin,” sabi ni Nograles.

“At the very least, kung ano yung 2018 level, dapat pantay sa 2019 level targets. Hindi yung bawasan mo,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?