sandiganbayan
By

Floirendo, inihirit na suspindihin ng Sandiganbayan

Sharing is caring!

Hiniling ng prosekusiyon sa Sandiganbayan na suspendihin si Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr. kaugnay ng kinakaharap nitong kasong graft.

Sa inihaing mosyon sa anti-graft court Sixth Division, iginiit ng prosekusyon ang Section 13 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act na nagtatakda ng suspensiyon sa opisyal na sumasailalim sa litigasyon.

Ito’y para hindi nito maimpluwensyahan ang posibleng mga testigo sa kaso kaugnay ng umano’y maanomalyang pag-upa ng lupa sa Davao Penal Colony (DPC).

Bagama’t mapagkakaitan ng serbisyo ng halal na kinatawan ang ikalawang distrito ng Davao del Norte, hindi umano ito sapat para hindi ipatupad ng korte ang mandatory provision ng batas.

“Verily, such suspension pendente lite is aimed not merely to prevent the accused from intimidating witnesses or otherwise hamper the prosecution of the case, but also to prevent him from committing further acts of malfeasance in office,” ayon sa prosekusyon.

Kinasuhan ni Speaker Pantaleon Alvarez si Floirendo kaugnay ng

Joint Venture Agreement (JVA) sa pagitan ng gobyerno at Tagum Agricultural Development Authority (TADECO).

Sabi ni Alvarez, miyembro na ng kamara si Floirendo nang magrenew ng kontrata ang kumpanya kung saan nagsilbi itong stockholder noong 2003.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?