5

By

Floirendo humirit sa Sandiganbayan na makapag-abroad para sa bakasyon

Sharing is caring!

Humihingi muli ng permiso si Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr. sa Sandiganbayan para maka-biyahe sa abroad.

Base sa kanyang motion for leave to travel abroad na isinumite sa anti-graft court 6th Division, pupunta si Floirendo sa Hong Kong, Japan at Estados Unidos.

Ang paalam ng kongresista ay mula October 17 hanggang November 10.

Sabi ni Floirendo, sasamantalahin niyang naka-bakasyon ang Kongreso para gawin ang personal trip.

Nabigyan na umano siya ng clearance ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para makapagbiyahe sa labas ng bansa at ang kailangan na lamang at pahintulot mula sa korte.

Nahaharap si Floirendo sa kasong katiwalian base sa inihaing reklamo ni dating Speaker Pantaleon Alvarez kaugnay ng Bucor-TADECO deal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?