136

Dec 23, 2017 @ 14:56

Floats para sa 2017 MMFF Parade of Stars, handa na

Handa na ang floats ng walong entries para sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars ngayong Sabado.

Magsisimula ang parada sa Muntinlupa Sports Complex at dadaan sa Centennial Avenue at National Road bago magtungo sa Filinvest event grounds.

Ang mga pelikulang kalahok ay ang ‘Ang Panday’, ‘All of You’, ‘Deadma Walking’, ‘Gandarrapiddo: The Revenger Squad’, ‘Siargao’, ‘Haunted Forest’, ‘Ang Larawan’, at ‘Meant to Beh’.

Taunang ginaganap ang Parade of Stars bago ang pagbubukas sa mga sinehan ng mga opisyal na pelikulang kalahok sa MMFF.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?