356

By

Fliptop rapper tinangging sangkot sa droga

Dinepensa ng isang Fliptop artist ang kanyang sarili matapos na mahuli sa buy-bust operation sa Barangay Poblacion, Makati City, Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay Marlon Peroramas, o mas kilalang ‘Loonie’, hindi umano sa kanya ang mga nakuhang 15 pakete ng high-grade marijuana o kush, maging ang nasa P100,000 at cellphone na nasabat ng mga pulis.

“Hindi totoo lahat ng paratang sa akin. Hindi po sa amin ‘yan,” saad ng Fliptop rapper.

“Ang cellphone ko po diyan ‘yung isa. ‘Yang maliit hindi po ‘yan sa akin. ‘Yang pera, t’saka lahat ng nasa sachet, hindi po sa akin ‘yan,” aniya pa.

Ayon pa kay Loonie, pumunta siya sa hotel kung saan ginanap ang buy-bust operation para dalawin ang isang batang may kanser.

Kasama ni Loonie ang kanyang kapatid, road manager, driver at isa pa. Bawat isa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?