178

Nov 7, 2020 @ 15:03
By

Fliptop rapper kalaboso sa buy-bust

Arestado ang Fliptop artist na si J-Skeelz sa kinasang drug bust operation sa bayan ng Candelaria sa Quezon nitong Sabado.

Kinilala ni Candelaria police chief PLt. Col. Arnulio Selencio ang suspek na si Jason Yap Gutierrez, ang tunay na pangalan ng rapper.

Binentahan umano ng hinihinalang shabu ang isang police undercover na nagkakahalaga ng P1,000 sa liib ng isang hotel sa Brgy. Masin Sur.

Dito na inaresto si Rodriguez kung saan nakuha pa sa kanya ang dalawang paketa ng suspetsang shabu.

Sa ngayon ay nakakulong na si Rodriguez at nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?