27

Feb 1, 2020 @ 19:17
By

Flights mula at patungong China sinuspinde na ng Vietnam

Ipinahinto na ng Vietnam ang lahat ng China flights nito.

Sakop nito ang lahat ng airlines na may rutang Vietnam at China at effective immediately, ayon sa Bangkok Post.

Ayon sa national carrier na Vietnam Airlines at budget airline Jetstar Pacific, ihihinto na nila ang pagtungo sa mainland China maging sa Hong Kong at Taiwan.

Ihihinto na rin ng Vietnam ang pag-iisyu ng visa sa mga Chinese tourist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?