34

By

Flight ng Gilas Pilipinas pauwi, naantala

Sharing is caring!

Tuluyang naantala ng 12 oras ang flight ng Gilas Pilipinas pauwi sa Maynila dahil sa banta ng bagyong ‘Ompong’.

Ayon kay Gilas assistant coach Ryan Gregorio, ang dapat sana’y alas-siyete ng umaga sa Dubai na kanilang alis ay naging alas-siyete ng gabi.

Dahil sa delay sa flight, imbes na Biyernes ng gabi ang arrival ng national team sa ‘Pinas, tila sa Sabado ng umaga pa sila makakarating.

Imbis na napunta sa training at pahinga para sa paghahanda nilang duwelo laban sa Qatar ngayong Lunes para sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Big Dome, kakailangin nilang magtiyagang maghintay sa Dubai airport pansamantala.

Galing sa talo ang Gilas laban sa Iran, 81-73 noong Huwebes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?