52

Jan 5, 2022 @ 19:16
By

Flight mula sa ‘Pinas bawal pumasok sa Hong Kong

Bawal nang pumasok sa Hong Kong (HK) ang mga flight mula sa Pilipinas at pito pang bansa.

Ito ay dahil sa takot ng Hong Kong government sa ikalimang bugso nila ng COVID-19 dulot ng pagtaas ng kaso sa bansa ng Omicron variant.

Sa isang virtual briefing, sinabi ni HK Chief Executive Carrie Lam na hindi na makakapasok sa kanilang bansa ang mga flight mula Australia, Canada, France, India, Pakistan, Philippines, United Kingdom at United States.

Epektibo ito simula Enero 8 hanggang Enero 21.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?