128

Oct 21, 2020 @ 23:09
By

Flight attendant nawalan ng trabaho, dumiskarte sa LPG

“Hindi dapat ikahiya na natanggal ka sa trabaho. To others na nawalan din ng trabaho during this pandemic, don’t lose hope.”

Ito ang payo ng flight attendant na si Maurice Maureen Avila na bumangon matapos madapa nang matanggal sa trabaho dahil sa pandemya, at naisipang magbenta ng LPG.

Sa viral Facebook post niya, sinabi ni Avila na matagal bago niya natanggap ang kanyang sitwasyon at nakaramdam siya ng hiya dahil sa pagiging unemployed.

“It took me so long to accept and post this in social media. Madaming nagtatanong sakin pero hindi ko nirereplyan. Kasi nahihiya ako. Kasi feeling ko nag-fail ako sa buhay,” sabi niya.

“Gabi-gabi tinatanong ko ang Diyos, ‘Bakit kailangan mong kunin yung pangarap na pinaghirapan ko?’” dagdag niya.

“I am devastated for 2 weeks; nawalan ng gana kumain, iyak ng iyak kada kagabe, paggising sa umaga iiyak nnmn. Ang sakit sakit,” sabi pa niya.

Matapos ang tatlong taon na pagiging flight attendant, minalas na napasama sa retrenchment sa Cebu Pacific si Avila.

Hinikayat niya ang mga kapwa flight attendant na umaasang makakabalik pa sa trabaho na huwag mawalan ng pag-asa.

“Kita-kits tayo sa grand hiring. Sabay-sabay tayo mangarap uli, sabay-sabay tayong lilipad uli.”

https://www.facebook.com/avilamauricemaureen/posts/10217637265706185

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?